Social Icons

Pages

Featured Posts

Lunes, Marso 17, 2014

ALAM MO BA ANG SEKRETO KONG PAANO MABAGONG BUHAY?

May mga kapatid na gusto na nilang baguhin ang paraan  ng kanilang buhay. Dahil nalalaman nilang silay nagkakasala at nagkukulang. Kaya minsan ang ganitong kapatid ay nanghihina at nalulupaypay sa kanyang pananampalataya na kung minsan ay nakikitaan ng kalungkutan at agad-agad natitisod kung pinagsasabihan.  Ngunit hindi nalalaman ng isang kapatid kung ano ba talaga ang sekreto ng iba " Bakit ganun sila katatag sa kanilang pananampalataya, Bakit ako hindi ko magawa?"


ALAM MO BA ANG SEKRETO KONG PAANO MABABAGO ANG IYONG BUHAY?


Ano ba ang dahilan ng iba bakit nahuhulog sila sa pagkakasala ng tulad sa sanlibutan?

Huwag na kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos -- kung ano ang mabuti, nakalulugod sa Kanya” Roma 12:1-2).

Umaayon kasi sa takbo ng mundong ito, lalo na ngayon ibang iba ang takbo ng mundo ito

Ano ba ang takbo ngayo ng mundong ito.


II Timoteo 3 : 2 - 4... ang mga tao'y magiging maibigin sa kalayawan...
Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang pasalamat, mga walang kabanalan, walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kaysa mga maibigin sa Dios; -

 Ano ba ang dapat gawin pag nakikita ang mga ganitong ksamaan??

Kawikaan 7: 1-27

1 Aking anak, salita ko sana ay ingatan,
itanim sa isip at huwag kalimutan.
2 Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal,
turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata.
3 Ito'y itali mo sa iyong mga kamay,
at sikapin mong matanim sa iyong isipan.
4 Ang Karunungan ay ituring mo na babaing kapatid,
at ang pang-unawa nama'y kaibigang matalik.
5 Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya,
nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.

Sinabi ng Diyos MAGPAHALAGA TAYO AT SUNDIN ANG KANYANG UTOS..

Kailan mo gagawin to kapatid?

2 Mga Taga-Corinto 6:2

 (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan): 



KAPATID MAGLILINGKOD HABANG BUHAY TAYO. LAGI TAYONG MAGBABAGONG BUHAY  


1 Timoteo 6:12

Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.